Random Thoughts And Contemplations · Saturday Night Thoughts

Pinagkaka-busy-han

Okay. Mag-Tagalog naman tayo para maiba. Aba’y pulos English na ang mga pinagsususulat ko nitong mga nakaraang posts ko rito, ah. Nakaka-nosebleed lang, ha? Haha! In fairness, na-miss ko ring magsulat ng mga Filipino posts. Nitong mga nakaraang linggo kasi, nag-focus ako sa pagsusulat ng mga stories na pulos English. Alam mo na, isang paraan rin iyon para maka-connect ka sa mga international readers, lalo na `yong mga fanfiction readers.

`Yan pa. Fanfiction.

Nitong mga nakaraang linggo, ito talaga ang pinagkakaabalahan ko. Nagbalik-loob ako sa pagsusulat ng fanfictions lately. At ang subject ng mga fanfiction na pinagsususulat ko—Super Sentai. Hindi katulad ng karamihan ng co-writers ko na K-Drama ang hilig, mas gusto ko pong manood ng Super Sentai series. Kahit babae ako, ewan ko kung bakit iyon ang mas gusto kong panoorin. Kaya siguro nawawalan na ako ng romansa sa katawan dahil doon. Hehe! Sa ngayon, pinagkakaabalahan kong panoorin ang currently airing na Sentai series—ang Space Squadron Kyuranger (Uchuu Sentai Kyuranger).

At dahil sa panonood ko niyan, kasabay na rin ng mga nakita kong photo edits ng mga Sentai characters sa Instagram, `yan tuloy. Napagawa na ako ng pangalawang IG account na exclusive sa mga photo edits na naiisipan kong gawin patungkol sa mga OTP ko sa Super Sentai. Mas marami pa rin ang sa Kyuranger. Kung gusto n’yo pong makita iyon, puntahan n’yo lang ang IG account na ito: @dreamcoloredgift0830. Ako pa rin po `yan. Pero mas inspired nga lang sa mga characters ng Kyurangers.

Hmm… Ano pa? Ah, okay. So iyon nga. Imbes na ang manuscript ko ang pagkaabalahan ko, mas naging busy sa pagsusulat ng fanfiction. Siguro naisip ko na lumayo muna sa mga may kinalaman sa pagsusulat ko ng romance. Hindi ko alam kung nawalan lang ako ng kilig dahil sa dami ng nangyayari o naghahanap lang ako ng inspirasyon at kilig sa ibang bagay. Sa kaso ko, mukhang unconventional pa yata ang mapagkukunan ko ng inspirasyon. Grabe lang, `no?

Pero magsusulat pa rin ako ng romance stories. I swear. Mapa-English man o Filipino. Kailangan ko lang talagang ikondisyon ang sarili ko sa pagsusulat ng romance. Sinasapian naman ako ng sipag ngayon. Sa ibang genre nga lang ako naka-focus. Hanep, `di ba? Or maybe not.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s