Approved Manuscript · Story And Writing Trivias · Writing Journey

[Approved Manuscript] #3: Guia, The Dancing Lotus Fairy

Sorry kung ngayon ko lang ginawa ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng time. Idagdag mo pa ang topaking internet na talaga namang ayaw makisama, eh talagang tatamarin ako, ‘no? Anyway, after a year and more (for real), may approved na akong MS ulit. Spin-off naman ito ng Mirui’s Hyacinth: Smile At Me na p-in-ublish ng PHR. For 1st revision ang unang result nito at natagalan bago ko nagawang i-revise ito.

Tatlong teaser ang naipasa ko pero isa lang ang ilalagay ko rito. This is the third teaser na ipinasa ko sa kanila at iba ito doon sa naka-post sa Wattpad account ko:

Aminado si Guia na malaki ang pasasalamat niya sa captain ng Falcon Knights tennis team na si Lexus Willard del Fierro. Ito ang tumulong sa kanya noon na makilala at ma-recruit si Mirui para sa Imperial Flowers. Pero kahit ganoon lang ang nangyari sa kanila noon, at kahit minsan lang itong lumapit sa kanya para kausapin, nabuo pa rin ang isang natatanging paghanga sa kanyang puso para sa binata. Iyon ay kahit hindi kaila sa kanya na may ilang misteryong nakabalot sa lalaking iyon.

Isang pagkakataon na may kinalaman sa isang pilit niyang kinakalimutang nakaraan ang tuluyang naglapit sa kanila ni Lexus. And no, hindi na tungkol sa club activities o kay Mirui na mukhang mahalaga talaga sa binata ang ginagamit nitong dahilan para lapitan siya. Noon siya nabigyan ng pagkakataon na mas makilala pa ang lalaking matagal na niyang hinahangaan. At kahit lagi siyang nabibigla sa mga pinaggaagagawa nito para lang sa kanya, hiling pa rin niya na sana ay maging pangmatagalan na iyon.

CHARACTER PROFILES:

Lexus Willard del Fierro 22 years old, BS Computer Engineering student at captain ng Falcon Knights Tennis Team. Isa siya sa mga kinatatakutan sa Alexandrite University dahil sa seryosong attitude niya. He doesn’t play around when it comes to his responsibilities. Lalo na kapag may naisipan siyang gawin. Sisiguraduhin niyang walang pipigil sa kanya. Nasisira nga lang ang seryosong attitude niya dahil sa ilang piling tao. Partikular na sa makulit na si Mirui at pati na sa misteryong itinatago ni Guia. 

Guia Krystelle Medrano – 21 years old, AB Fine Arts student, at leader ng subgroup ng arts, music, and sports-related Spiritual Garden Society ng Alexandrite University–ang Imperial Flowers. Her flower codename is Lotus. Kilala siya sa society bilang magaling na violinist at dating dancer. Dati siyang miyembro ng Dance Troupe pero dahil sa isang aksidente, tinalikuran niya ang anumang may kinalaman sa pagsasayaw. Determinado na siyang huwag balikan iyon, pero mas determinado naman si Lexus na muli niyang pagtuunan ng pansin ang isang bagay na alam nitong mahal na mahal niya.

I guess this really means I should revise Yuna’s story. For 1st revision din ang result n’on, eh. Hehe! 😄😄😄😄

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s