AlDub/Kalyeserye-Related · Reactions And Comments · TV Shows And Web Series

[AlDub/Kalyeserye] Episode 131 (Tatay Dodong) – December 15, 2015

This is the second day na silang dalawa lang ang nasa barangay. And if I’m not mistaken, the first time na wala ang tatlong lola sa location ng Sugod Bahay. Napansin ko lang na parang sinasanay na sina Maine at Alden sa hosting. Tinitingnan siguro kung paano nila iha-handle ang Sugod Bahay na silang dalawa lang. Hindi naman kasi puwede na si Maine lang ang gumawa n’on at baka mahirapan naman ito. Come to think of it, was there even a time na iisa lang ang nag-Sugod Bahay sa JoWaPao? Basta, iyon na iyon. Baka in time na lang masasagot ang tanong kong iyon. Ito kasi ang napapala ng matagal na hindi panonood ng TV, eh. Kung hindi pa nauso ang KS, hindi pa ako babalik sa panonood ng TV.

Nagustuhan ko rin iyong pagdating ni Cindy to clarify things with Alden and Maine. At least, all’s well that ends well na ang peg nilang tatlo after Cindy’s appearance. Kahit na sa totoo lang ay hindi matagalan ng tainga ko ang pagsasalita niya, lalo na kapag nagta-Tagalog siya. No offense meant. Natawa na lang ako sa paraan ng pagtatanong ni Alden kay Maine tungkol sa sulat na natanggap nito, na itinanong niya kung manliligaw daw ba iyon ni Maine. Grabe lang kung bakuran si Yaya, eh, `no? Wagas din kung makapag-inquire. Parang naagawan lang ang peg ng lalaking `to.

As for this episode, binuksan na rin ang topic tungkol sa tatay ni Yaya Dub na si Dodong. At gusto daw nitong makita si Yaya. Noon kasi, binanggit ni Lola Nidora na hindi nalaman ni Dodong na si Yaya Dub ang anak nito kasi ipinalabas niya na yaya si Divina at hindi ito ang anak ni Dodong kay Ursula. So here’s my question now. Paano nalaman ni Dodong na anak niya si Yaya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s