Poetic Moments

Ikaw Na Nga Kaya?

Ako’y humiling na sana’y masilayan
Ang isang taong magiging kaibigan
Taon ang itinagal ng paghihintay
Bago napakawalan ang aking lumbay

Labis ang kasiyahang nadarama ko
Sa tuwing tayo ay magkasama dito
Iba ang ngiting ipinapakita ko
Kapag ika’y nariyan lang sa tabi ko

Maging sa panaginip ay nakikita
Mukha mong sa ‘kin ay nagbibigay-saya
Matamis mong ngiti ay nakikita pa
Sa mga gabing ako ay matutulog na

Ngunit bakit ikaw ang hinahanap ko
At ang tanging hinihiling ng puso ko?
Nais kong masagot ang tanong ng puso
At kung bakit ikaw nga ang pag-ibig ko

Ang hiling ko lang sa mahal na Bathala
Aking masilayan ang itinadhana
Ngunit pa’no malalaman kung ikaw nga
Ikaw na nga kaya ang aking tadhana?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s