Poetic Moments From My School Days

Tanging Pakiusap Ng Puso

Ako’y minsang nagmahal nang lubus-lubos
Ngunit nang ako’y iwan, luha’y umagos
Ako’y tulad sa kandilang itinulos
At sa pagkabigla’y ‘di na makakilos

Ngayong ikaw ang dumating sa buhay ko
Hindi ko na malaman ang gagawin ko
‘Di malaman ng pusong ito ang tungo
‘Di matukoy kung tunay ang pag-ibig mo

Ngunit nang iparamdam mo sa akin
Ang pag-ibig mo, kahit hindi sabihin
Ako ngayon sa Diyos ay humihiling
Sana’y tunay ang pag-ibig na dumating

Ang tanging pakiusap ng aking puso
Tunay na pag-ibig ang kailangan ko
Iyon ang ninanais kong ibigay mo
Upang ang puso ko’y hindi na malito

Ngunit kung ‘di mo man ako mamahalin
Ako sana’y maging kaibigan pa rin
Kahit na ganito ang laan sa akin
‘Di ko pagsisisihang ika’y dumating

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s